Tagalog sweet messages and quotes

tagalog sweet quotes

Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sa akin, kaya hinding hindi ko hahayaan na basta basta ka na lang mawawala sakin.

Importante ba yung “I LOVE YOU”? Para sakin kasi mas importante ka. Pano ko masasabi yung word na I LOVE YOU kung wala ka?

Nakakainlove yung taong magkapareho kayo sa gusto at ayaw pero mas nakakainlove yung taong kahit ayaw nya, basta para sayo gugustuhin nya.

Nagseselos lang naman ako dahil mahal kita at takot akong mawala ka.

Ayokong mangako, hindi ako magaling sa mga ganyang bagay pero para sayo babaguhin ko lahat ng bagay na pag aawayan natin. Dahil mahal kita.

Nagtatanong sila kung gaano kita ka mahal, wala akong maisagot. Hindi ko kasi alam kung papaano susukatin yung pagmamahal ko para sayo.

Sana kaya kong ibigay ang buong mundo sayo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay, magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit, pero sakin isang magandang bagay lang ang hinahangad ko. IKAW.

Nandito lang ako, kapag kailangan mo ng kaibigan, ng makakausap, ng maiiyakan. Sabi ko kasi sayo iwan mo na siya eh. Ano bang nakita mo sa kanya?

Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.

Magmahal karin lang, itodo mo na, wala naman mawawala sayo, kundi sya ang mawawalan ng kagaya mo kung pinaglalaruaan ka.

Nakakainlove yung taong magkapareho kayo sa gusto at ayaw pero mas nakakainlove yung taong kahit ayaw nya, basta para sayo gugustuhin nya.

Aminin ko man o hindi na ako yung taong para sayo, atleast dumating yung araw na minahal kita at napasaya mo ako kaya salamat sa pananakit mo.

Minsan kapag mahal mo ang isang tao, you’ll never care kung sapat man o sakto ang pag-ibig na binabalik niya sayo.

Isa sa pinakamasayang feeling sa mundo ay yung gusto mong titigan ang crush mo, pero di mo magawa kasi nakatitig din sya sayo.

Mahalin mo nalang yung taong mahal ka, hayaan mo nalang yung walang kwentang sinayang ka.

Wag kang mainggit sa sweet na lovelife ng iba, mangyayari rin yan pag naging akin ka.

Paano ko sya ipaglaban kung nakikita kong masaya na sya sa piling ng iba, guguluhin ko pa ba?

Sa tuwing kasama kita hindi ko maiwasan ang sobrang sayang nadarama ko, dahil simula ng dumating ka sa buhay ko isa lang ang tanging hiling ko. Sana ikaw na ang huling babae para sakin.

Ang PAG-IBIG ay para rin yang PAGHINGA, bakit mo ITITIGIL kung ALAM mong HINDI mo KAYA.

Lahat ng umiibig nag papakatanga, tanga na kung tanga basta ang importante mahal kita.

Ang relasyon binubuo ng masaya at malungkot na part yan. Pag mahal mo ang isang tao lahat tanggap mo maging mga ka pintasan nito walang relasyong nagtatagal ng puro happy things na lang dahil baka pag saddest part na ng storya nyong dalawa ayaw mo na kasi hindi na masaya. Ang relasyon Hindi laging masaya paghirapan nyo pra maging masaya.

kung iniisip mong ikaw ang panalo, mag isip ka ng panibago dahil ang puso ko parang sibuyas, ikaw man ang humiwa sisiguraduhin kong ikaw din ang luluha.

Yung nakakita ako ng piso, tapos tinabihan ko ng isa pang piso. Kasi alam ko ang pakiramdam ng mag isa.

Walang sapat na salita sa wikang Tagalog para ilarawan kung gaano ka kaganda. Maaari kong matutunan ang bawat wika sa mundo at nalilito pa rin ako sa mga salitang sinusubukang sabihin kung gaano kita kamahal.

Ang hangin ay maaaring pumunta kahit saan, maaaring madama. akala mo mag-isa lang ako. Ang hangin ay kasama ko sa loob ng maraming oras, at sa hanging iyon ay naroon ang iyong pag-ibig. Mahal kita.

Alam kong hindi madali para sa iyo na unawain ang ugali na mayroon ako, ngunit nais kong magpasalamat. Thank you kasi kahit may hinanakit ako at nakakapagod umintindi sa ugali ko. Nananatili ka pa rin. Napaka swerte ko at pinagpala kita. mahal kita, mahal ko.

Walang maliit na babae, kung sya ay iyong pinagmamalaki.

Share this post