Tagalog inspirational quotes

tagalog inspirational quotes

Hindi mo na kailangan ng ibang tao para magkusa ka, kung gusto mo talagang magtagumpay, sapat na yung ikaw mismo ang magkusa para sa ikabubuti mo.

Hindi ka mapapatumba ng kabiguan kung sapat ang lakas ng determinasyon mong magtagumpay.

Huwag kang manghinayang kung ngayon ay nabigo ka. Tandaan mo, mas magandang nabigo ka dahil sinubukan mo, kesa nabigo ka nang hindi mo pa sinusubukan.

Pag may problema, iiyak mo lang tapos tama na. Punas luha, ayos damit, suklay buhok tapos smile, tuloy ang ikot ng mundo.

Huwag mo hayaang sumabay ka lang sa agos ng dagat. Minsan, ikaw dapat mismo ang kokontrol ng direksyon nito.

Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao, mababa man ang pinag-aralan mo kung marunong kang rumespeto, daig mo pa ang edukado.

Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang kakayahan.

May mga bagay na kahit ayaw naten mangyari, kailangan nating tanggapin.

Lahat ng paghihirap ay nasusuklian ng kaginhawaan.

Ayaw nila sayo kasi mas higit ka sa kanila.

Lahat ng bagay pinaghihirapan. Di matamis ang tagumpay kapag walang paghihirap na naranasan.

Hindi masusukat sa material na bagay ang kaligayahan ng isang tao.

Kapag nadapa ka, bumangon ka. Tandaan mo, may pagkakataon ka pa para ipakita sa kanila na hindi sa lahat ng pagkakataon tama sila.

Darating ang oras sa buhay natin na tayo ay mapapagod, kung dumating man yun, matuto kang magpahinga at hindi ang sumuko.

Share this post